Ang Sine Ng Buhay Ni Nanay ni Marcel Milliam

2nd SineNanay Festival logo

Ang Sine Ng Buhay Ni Nanay

(Para Sa SineNanay 2016)

Ni Marcel Milliam

 

Ang sine ng buhay ni Nanay

Kumpleto sa sangkap

Maaksyon ang bawat eksena

Kailangan ng ibayong lakas

 

Nakikipaglaban sya sa sanlaksang kaaway

Labada man yun o mga  tao

Sa pagtatanggol sa kanyang mga anak

Ipaglalaban nya ang pamilya.

 

Madrama ang bawat tagpo

Puno ng pagmamahalan at minsan

Iyakan din sa mga pighati

At mga pagsubok na dumarating sa buhay.

 

Makomedya  din ang sine ni Nanay

May mga tawanan na pumupuno

Sa bahay at sa buhay

Magaan basta’t ang pamilya’y naghahalakhakan.

 

May sangkap pantasya din minsan

Lalo na kailangan ng konting imahinasyon

Sa pagbabudget ng gastusin man yun

O sa mga pangarap na hinahabi nya para sa anak.

 

Misteryo’t horror din minsan

Ang mga pangamba at mga takot

Na matapang nyang hinaharap

Sa araw araw na pagtataguyod.

 

Syempre pa, si Nanay, best actress

Kayang ilampaso ang sikat na mga artista

Sya ang bida, sya din minsan kontrabida

Kamangha mangha talaga ang sine ng buhay nya.

 

Ang sine ng buhay ni Nanay ay tutoo

Ito’y tungkol sa akin at sa iyo

Kaya halika, tunghayan at subaybayan

Buhay na dakila ni nanay, tutoong sineng itatanghal.

This entry was posted in Featured on by .